^

Metro

Binatilyo todas sa kalabang frat

-

Pinatay sa saksak ang isang 15-anyos na bi­natilyo ng isa sa kalaban nilang fraternity matapos ang  isang rambol na na­ganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Marniel Jose, naka­tira sa Block 38, Alabang Alley, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod. Nabatid na tinadtad ito ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng Tanigue St. at Dagat-Da­gatan Avenue, ng natu­rang lungsod.

Ayon sa ama ng bik­tima na si Anilo Jose, 45,   nagpapahinga siya sa kanilang bahay nang ma­balitaan nito na hinahabol ng isang grupo ng kaba­taan ang kanyang anak.

Agad naman nitong hinanap ang anak hang­gang sa mabalitaan na lamang nito na patay na ito. May hinala pa ang ama ng biktima na posib­leng ang mga salarin ay ang grupo ng mga kaba­taan na nakaalitan ng kan­yang anak, kung saan nagkaroon ng rambol sa pagitan ng grupo ng bik­tima at grupo ng mga suspek. (Lordeth Bonilla)

ALABANG ALLEY

ANILO JOSE

AYON

CALOOCAN

LORDETH BONILLA

MARNIEL JOSE

SHY

TANIGUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with