GRO biniktima

Dalawang umano’y holdaper ang nadakip ng pulisya habang binibiktima nila ang isang guest relation officer sa Josefina St., 3rd Avenue, Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Jose Ramirez Valencia, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan City Police, ang mga suspek na sina Cornelio Galido, 22, at Jay-R Bañel, 17, kapwa residente ng nabanggit na lung­sod.

Hinoholdap ng mga suspek ang biktimang si Rebecca Manioso, 25, sa naturang lugar nang mamataan sila ng nag­papatrulyang si PO3 Joselito Andres.

Kaagad na inaresto ng pulis ang mga suspek at nakuha kay Galido ang isang kalibre .38 paltik na baril at isang patalim naman kay Bañel at isang cellular phone na 6080 model na nagkaka­ halaga ng P3,500 at pag-aari ni Manioso. (Lordeth Bonilla)

Show comments