^

Metro

Onsehan sa droga, barker tinodas

-

Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang motibo ng pagpatay sa isang barker na pinagbabaril sa harapan ng Culiat Compound, Tandang Sora, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala  ng Quezon City Police ang bik­tima na si Ricky Romanos, 32, binata, walang hanapbuhay at residente ng Ka­ingin 1, Brgy. Pansol, Diliman ng lungsod.

Si Romanos ay agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa cal. 45 pistol. Ayon sa mga imbestigador, naganap ang krimen bandang alas-11:10 ng gabi sa harapan ng Culiat Compound sa Tandang Sora ng nabanggit na siyudad.

Sa pahayag ng mga testigo sa pulisya, kasalukuyan umanong nag-aabang ng masa­sakyang jeepney ang biktima ng pagba­barilin ng hindi pa nakilalang salarin.

Duguang napalugmok ang biktima habang mabilis namang tumakas ang salarin papasok sa Salam Mosque compound sa nasabing lugar.

Sinabi ng mga imbestigador na isa sa mga anggulo ng krimen na masusi nilang iniimbestigahan ay ang posibleng onsehan sa droga. (Danilo Garcia)

AYON

CULIAT COMPOUND

DANILO GARCIA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RICKY ROMANOS

SALAM MOSQUE

SI ROMANOS

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with