Lola sinunog sa hotel
Isang matandang babae na tinatayang nasa 60-65 taong gulang ang pinatay at saka sinunog mismo sa
Tupok na tupok ang buong katawan ng hindi pa nakikilalang biktima na base sa pagsasalarawan ng mga personnel sa motel na may taas na 5 hanggang 5’2 talampakan. Halos maabo, maging ang hinihigaan nitong
Agad namang tumakas ang kasama nitong lalaki na nag-check-in na inilarawan na nasa gulang na 30-35, nakasuot ng kulay gray na t-shirt, maong pants at may taas na 5’5 hanggang 5’6 talampakan.
Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ang bang kay ng biktima sa loob ng Room 320 ng Sweet Hotel sa panulukan ng Rizal Avenue at C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Janelle Buraga, cashier ng Sweet Hotel, dakong alas-4 kamakalawa ng hapon nang nag-check-in ang biktima kasama ang suspek sa room 320.
Dakong alas-8 ng gabi nang lumabas mula sa kanilang kuwarto ang dalawa at nagpaalam kay Buraga na kakain lang ng hapunan sa labas at makalipas ng ilang oras ay muli silang bumalik sa kanilang kuwarto.
Bandang alas-2 ng madaling-araw nang maalarma ang mga kawani ng hotel dahil sa reklamo ng katabing kuwarto ng biktima na nakaamoy ng nasusunog na bagay at makapal na usok na lumalabas sa silid ng biktima.
Agad namang ginamitan ng fire extinguisher ang kuwarto na napakakapal na ng usok at doon nadiskubre na sunog ang bangkay ng biktima at hindi na matagpuan ang kasama nito.
Ayon pa kay Buraga, napansin nila na nagmamadaling lumabas ang suspek sa kanilang kuwarto ilang minuto bago naganap ang insidente.
Pinag-aaralan din kung napatay muna ng suspek ang biktima kaya naisipan itong sunugin dahil ibinalot pa ito sa kumot bago makitang sunog.
Nakalagak sa Prudential Funeral Homes ang bangkay habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest
- Trending