^

Metro

Nagtalo sa ZTE deal: 1 patay, 1 sugatan

-

Isang lalaki ang na­sawi, habang isa pa ang nasugatan matapos ang madugong duelo nang magtalo sa mainit na isyu ng ZTE broadband deal, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Zarate Medical Center sanhi ng mga saksak na tinamo sa tiyan ng biktimang si Rolando Alvarez, 20, binata ng Golden Acres, Habitat, Talon Uno, habang suga­tan ang kanyang ka-duwelong si Mark Obibe, 19,  ng #15 Camachili St., 5 Christian, Golden Acres, Talon Uno,  na isi­nu­god naman sa Las Piñas District Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) bunga ng grabeng tama ng saksak sa kaliwang mata.

Ayon sa inisyal na ulat, ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng gabi malapit sa bas­ket­ball court sa Golden Acres, Talon Uno ng na­sabing lunsod.

Bago ito, masaya pang nag-iinuman ang dalawa at nagbigay ng kanilang mga paniwala sa isyu ng ZTE.

Magkasalungat ng paniwala ang dalawa hanggang sa ang paliwa­na­gan ay humantong sa mainit na komprontasyon at marahil dala ng kala­singan ay tuluyan nang nag­kapikunan ang da­lawa hanggang magsun­tukan at di nagtagal ay kapwa naglabas ng pa­talim at nagsaksakan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CAMACHILI ST.

DISTRICT HOSPITAL

GOLDEN ACRES

LAS PI

LORDETH BONILLA

MARK OBIBE

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SHY

TALON UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with