^

Metro

Ika- 4 ngayong Pebrero: Presyo ng LPG muling nag-rollback

-

Muli na namang ibi­naba ng grupong Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang cooking gas matapos na bumaba ang contact price nito sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay LPGMA president Arnel Ty, ang pani­ bagong 50 sentimos kada kilo o kabuuang P5.50 kada 11 kg. na tangke ng cooking gas ay kanilang ika-apat na rollback ngayong buwan ng Pebrero matapos na ibaba din nila ng kaha­lintulad ding presyo ang kanilang tin­dang LPG noong naka­raang linggo.

Dakong alas-12:01 ngayong hatinggabi ng simulan ng grupo ang pa­nibagong price adjustment. Ibinalita ni Ty na sa ngayon ay muling bumaba ang presyo ng contact price ng presyo nito sa panda­igdigang pamilihan at ina­asahan pa na patuloy pa itong bababa sa su­sunod na buwan dahil tapos na ang panahon ng taglamig sa mga oil importing countries.

Tapos na kasi ang tag­lamig sa mga bansang pinag-aangkatan natin ng produkto na alam naman nating napakamahal kapag noong panahon dahil sa taas ng demand at ka­kaunti ang supply dahil sa hirap ibiyahe,”  paliwanag ni Ty.

Dahil sa panibagong pagbaba   ay umaabot na sa P2.50 kada kilo o kabuuang P27.50 kada 11 kg na tangke na kada­lasang ginagamit sa bahay. (Edwin Balasa)

ARNEL TY

AYON

DAHIL

DAKONG

EDWIN BALASA

IBINALITA

LIQUIFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION

SHY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with