10,000 pulis kasado sa EDSA anniversary

Nakahanda na ang Philip­pine National Police (PNP) ka­ug­nay ng ilulunsad na mass actions o kilos-protesta ng civil society groups at iba pang grupo kaugnay ng pagdiriwang ng ika- 22 taong anibersaryo ng EDSA People Power 1 sa da­rating na Pebrero 25.

Ang  kilos-protesta ay upang igiit ang pagbaba sa puwesto ni  Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos naman ang exposé sa over­pricing sa $329M ZTE NBN deal ni star witness Rodolfo Noel “Jun” Lozada.

Sinabi ni  PNP Spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon at itataas ang alert level kung kinakailangan.

Bilang bahagi naman ng con­tingency measures ay 10,000 pulis ang kanilang ipaka­kalat sa mga lugar na pagda­rausan ng kilos protesta upang mapanatili ang peace and order.

Samantalang maliban sa puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay naka-standby rin ang Civil Dis­turbance Management (CDM) contingents mula sa Re­gions 3 at Regions 4-A na mag­reresponde kung kinaka­ilangan.

Kaugnay nito, itinanggi na­man ng PNP Spokesman na ang deployment ng elite forces sa North at South Luzon Ex­pressway at iba pang mga entry points sa Metro Manila ay pang­harang sa mga raliyista na mag­papartisipa sa mass actions.

Sinabi ni Bartolome na ang na­sabing elite forces ay ipina­kalat  bilang bahagi ng anti-crimininality campaign ng PNP sa Metro Manila. (Joy Cantos)

Show comments