^

Metro

54-anyos nilooban saka pinatay

-

Pagnanakaw ang isa sa mga pangunahing motibo na ini­imbestigahan ngayon ng pulisya makaraang matagpuan ang bangkay ng isang 54-anyos na   lalaki, na mabaho na at luwa pa ang bituka kahapon ng umaga sa Malabon City.

Pinaniniwalaang may dala­wang araw nang patay ang bikti­mang si  Dionicio Zonsa, ng  #12 Mac Arthur Highway, panulukan ng Atimoya St., Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod na nag­tamo ito ng saksak sa sikmura.

Samantala, blanko pa ang Malabon City Police kung sino ang pumaslang sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang matuklasan ang bangkay ng biktima ng anak nitong si Aileen, 30, sa inu­upa­hang kuwarto ng matan­dang Zonsa sa nabanggit na lugar.

Nabatid na dinalaw ng da­laga ang ama at ayon dito ay ma­tagal na siyang  ku­ma­katok ay hindi pa rin nagbu­bukas ang biktima kaya’t nag­pasya ang dalaga na puwersa­hing buksan ang pinto ng bahay at doon na tumambad ang bang­kay ng ama na nanga­ngamoy na.

Agad na ipinaalam ni Aileen sa mga awtoridad ang natuk­lasang bangkay ng kanyang ama at base pa sa paunang pagsisiyasat, lumalabas na posibleng kakilala ng biktima ang salarin dahil hindi naman umano pinuwersang buksan ang pinto ng bahay.

Lumalabas din na posibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil bago umano na­ganap ang insidente ay nanalo ang biktima sa sabong at nang makita ang bangkay nito ay nawawala na ang perang napa­nalunan nito.  (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AILEEN

ATIMOYA ST.

DIONICIO ZONSA

LORDETH BONILLA

MAC ARTHUR HIGHWAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with