^

Metro

Ginang todas sa riding-in-tandem

- Danilo Garcia -

Isang 47-anyos na babae ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo sa harap ng kanyang bahay ka­hapon ng umaga sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Cen­ter ang biktimang si Margie Cas­tro, may-asawa, ng #12-D Mabuhay St., Brgy. Central, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investi­gation and Detection Unit, na­ganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa tapat ng kanyang bahay.

Ayon sa anak niyang babae, pababa na ang kan­yang ina sa kanilang kotseng pulang Toyota Corolla (THP-951) nang biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo. Agad na tumabi ito sa biktima at sunud-sunod na pinaputukan ang ginang. Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang isinugod ang biktima ng anak nito sa pagamutan subalit binawian na din  ng buhay.

Nabatid na ang biktima ay asawa ng isang Atty. Manuel Castro. Sa pahayag nito sa pulisya, wala siyang alam na kagalit ng kanyang asawa o maging ng kanilang pamilya kaya’t hindi makapaniwala sa pangyayari.

Sa kabila nito, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbes­tigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang na maaaring may kinalaman sa propesyun ng asawa ng biktima. Inaalam rin ang ang­gulo ng land dispute dahil sa may nakabinbin na kaso sa lupa sa korte ang mag-asawa.

vuukle comment

D MABUHAY

DETECTION UNIT

EAST AVENUE

MANUEL CASTRO

MARGIE CAS

MEDICAL CEN

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with