^

Metro

Tatay gulpi-sarado sa 2 anak

-

Nagawang patulan at bugbugin ng magka­patid na lalaki ang sarili nilang ama na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan dahil lamang sa nawawalang gulong, kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakakulong ngayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang suspect na si  Cesar Valderama, 32, residente ng #96 Mother Ignacia Street, Diliman, habang pinaghahanap naman ang naka­babatang kapatid nito na si Celso, 26.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Vicente Valderama, 59. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas-6:30 ng gabi sa loob ng ka­nilang junkshop sa Tandang Sora Avenue.

Nabatid na sinita ni Vicente ang dalawa niyang anak na kapwa helper ng junkshop tungkol sa nawa­­walang gulong. Ikinagalit naman ng magka­patid ang paninita ng ama na tila pinagbibintangan sila.

Humantong sa pagta­talo ang mag-aama hanggang sa isinalya at pinagsusuntok ni Celso ang biktima ng ilang ulit. Sa halip naman na awatin ni Cesar, tumulong pa ito nang kumuha ng tubo at paluin ang matanda ng ilang beses sa ulo.

Nang makitang humandusay ang ama sa lupa mabilis na tumakas ang magkapatid. Nadakip naman si Cesar sa loob ng bahay nito habang pa­tuloy pa rin ang paghahanap kay Celso. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CELSO

CESAR VALDERAMA

DANILO GARCIA

EAST AVENUE

MEDICAL CENTER

MOTHER IGNACIA STREET

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with