^

Metro

Modernisasyon ng Bureau of Fire giit

-

Muling nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo na gawing “priority bills” ang moder­nisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na agad nangangailangan ngayon ng higit 1,800 fire trucks upang epektibong masa­wata ang mga sunog na nagaganap partikular sa mga lungsod sa bansa.

Sinabi ni DILG Sec. Ronaldo Puno na kasa­lukuyan lamang may 1,629 trak ang BFP kung saan 357 rito ay hindi gumagana dahil sa sira. Sa popu­las­yon na 88.5 milyon nitong taong 2006, nanganga­ilangan ang BFP ng 3,163 trak kung saan kapos pa ang bansa ng 1,891 fire trucks upang matugunan ang mga pa­ngangailangan sa pag-apula sa mga sunog.

“If we deduct the existing 1,272 serviceable units, the BFP urgently requires an additional 1,891 units of fire trucks. To date, the actual fire truck-to-population ratio is one for every 69,626 persons,” ayon kay Puno.

Kailangan umanong mapagbago na ang BFP upang handa na rumes­ponde sa mga oras ng “emer­gency” ngayong pa­nahon dahil sa patuloy na banta sa pambobomba ng mga terorista at pagba­bago ng klima.

Sa kanyang memorandum para sa Pangulo, hini­ling nito na unahing isa­batas ang panukala nina Rep. Roilo Golez, Rep. Dar­lene Antonino Custodio sa Kongreso at panukala nina Sen. Miriam Defensor Santiago at Francis Es­cudero para palakasin ang kapabilidad ng pamatay-sunog sa bansa.

Habang nalalapit na­man ang Marso na Fire Safety Month, mahigpit na iniutos ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte sa “business permits and licensing office” na tiyaking lahat ng negosyo at esta­blisimiyento sa lungsod ay tumutupad sa “Fire Safety Code” upang maiwasan ang malalaking sunog. (Danilo Garcia)

ANTONINO CUSTODIO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

FIRE

FIRE SAFETY CODE

FIRE SAFETY MONTH

FRANCIS ES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with