^

Metro

Nanaksak ng buntis, kinuyog ng taumbayan

-

Mistulang lantang gu­lay nang dalhin sa istas­yon ng pulisya ang isang lalaki makaraang kuyu­gin ng taumbayan nang sak­sakin nito ng maliit na pa­talim na nakakabit sa nail cutter ang kinaka­sama nitong buntis na babae ka­maka­lawa sa Quezon City.

Nakadetine ngayon sa Quezon City Police District-Station 10 deten­tion cell ang suspek na si Leo Elpe­des, 32, vendor,  ng Maga­lang St., Maligaya Park, Brgy. Gulod, Nova­liches, naturang lungsod.

Ligtas naman sa ka­pa­­hamakan matapos na ma­lapatan ng lunas sa East Avenue Medical Cen­ter ang apat na bu­wang buntis na si Gina Balbabuco, 35, at resi­dente rin ng naturang lugar.  Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-7:30 kama­kalawa ng gabi sa tapat ng Kidney Institute Hospital sa East Avenue, ng natu­rang lung­sod. Sakay ng isang pam­pa­saherong bus ang da­lawa na papa­uwi na ng ka­nilang bahay nang ­magtalo. Dito umano nag­labas ng malaking nail cutter si Elpedes at inilabas ang maliit na patalim na nasa loob nito at tinarakan ang biktima sa dibdib at likod saka tumalon sa bus. Hindi tuluyang nakatakas ang suspek nang habulin siya ng galit na mga pasa­hero ng bus at iba pang taum­bayan na tulung-tulong na bumugbog dito saka isinuko sa pulisya. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

EAST AVENUE

GINA BALBABUCO

KIDNEY INSTITUTE HOSPITAL

LEO ELPE

MALIGAYA PARK

MEDICAL CEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with