Police Bits

Grinipuhan ng adik

Nakikipagkuwentuhan lang ang 52 anyos na driver na si Gaudencio Bathan sa isang kakilala sa Northbay Boulevard South, Navotas City nang bigla umanong lumapit ang kapit­bahay niyang bangag sa bawal na gamot na si Jonathan Pas­cual, 26,  na may hawak na kutsilyo at bigla siya nitong tad­tarin ng saksak. Nasawi si Bathan.  Hinahanap pa ng mga awtoridad habang isinusulat ito ang suspek. (Lordeth Bonilla)

Dedo sa kalasingan

Kasalukuyang sinisiyasat ng pulisya ang pagkasawi ng dishwasher na si Totoy  Bernabem, 28, ng Bilibid Viejo, Quiapo, Manila na hindi na nagising nang makatulog sa sobrang kalasingan ka­hapon ng umaga. Nauna rito, nakipag-inuman si Bernabem sa kan­yang mga katrabaho sa isang carinderia sa naturang lugar hang­gang sa makatulog ito kamakalawa ng gabi. (Grace dela Cruz)

Snatcher timbog

Isang umano’y snatcher na si Arnold Aguilar, 29, ang nadakip ng  mga tauhan ng Manila Police District makaraang tutukan niya ng patalim at tangayan ng kuwintas ang saleslady na si Aileen Gonzales sa Binondo, Manila kahapon ng umaga. Sa tulong ng Mamang Pulis ID card na tinanggap ni Gonzales mula sa MPD, nakahingi agad siya ng tulong at nadakip ang suspek. (Grace dela Cruz)

Show comments