^

Metro

Dalaga tinodas sa sementeryo?

-

Isang malaking palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang pagkasawi ng isang dalaga na natagpuan sa loob ng isang mausoleum sa isang public cemetery sa Pasay City ka­hapon ng umaga.

Wala nang buhay at naka­handusay nang madiskubre ang biktima sa isang mausoleum na kinilalang si Serine Dinglasan, 25, residente ng 408 Mapagkalinga St. ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ni Dinglasan dakong alas-6:00 ng umaga sa mausoleum.

Batay naman sa pahayag sa pulisya ni Myrna Roldan, 45, ng 400 Sgt. Mariano St., Pasay City, dakong alas-3:00 ng madaling-araw, lumabas siya sa kanilang bahay upang umihi at nakita niya ang nobyo ng biktima na si Luisito Azarco, 44, na hinahatak sa loob ng mausoleum ang walang malay na biktima.

Labis umano siyang nata­kot nang makita ang suspek na nanlilisik ang mga mata ha­bang nakatitig sa kanya kaya dali-dali siyang pumasok sa kanilang tirahan.

Subalit bandang alas-6:00 ng  umaga ay muling nakita ni Myrna ang suspek habang isinasara ang gate na bakal ng mausoleum at nakita na la­mang ng una ang katawan ng biktima na nakahandusay at wala nang buhay.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Myrna sa baran­gay na siya namang nag-report sa pulisya.

Mabilis namang rumes­ponde sina SPO1 Leoncio Muñoz at tanod na si Roy Dial ng Barangay 148, Zone 16 sa naturang lugar kung saan na­abutan pa ang suspek sa loob ng nasabing sementeryo ha­bang natagpuang patay na ang biktima.  (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

LEONCIO MU

LUISITO AZARCO

MAPAGKALINGA ST.

MARIANO ST.

MYRNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with