^

Metro

Basurero todas sa bayaw

-

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 27- anyos na basurero ng kanyang bayaw matapos awayin ng una ang kanyang asawa na kapatid  ng huli kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Randy Pasinoble, ng Purok  3, Dulo, Isla Puting Bato, Tondo.

Patuloy namang pinaghahanap  ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Boboy”, 27, side car boy ng Purok 3 Dulo, Isla Puting Bato, Tondo at bayaw ng biktima, na tumakas matapos ang insidente. Lumalabas sa imbestigasyon na  dakong alas- 5:00 ng hapon ng naganap ang insidente sa Purok 3, Dulo Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Nabatid na dumating ang biktima na lasing nang awayin nito  si Anabel at upang hindi na umano lumala ang away ay lumabas ang huli na sinundan naman ng una. Nakita naman ng suspek ang ginawang pag-aaway ng biktima sa kanyang kapatid kaya sinundan nito ang paglabas ng dalawa at kinompronta si Pasinoble.

Minasama umano  ng biktima ang pakikialam ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima.

Bagama’t may tama ng saksak ang biktima ay nagawa pa rin nitong makatakbo subalit hinabol pa rin siya ng kanyang bayaw at nang naabutan ay muling pinagsasaksak saka mabilis na  tumakas. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DULO

DULO ISLA PUTING BATO

GEMMA AMARGO-GARCIA

ISLA PUTING BATO

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with