Misa kay Lozada, PNP umalerto uli
Mahigpit na seguridad ang ilalatag ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) sa gaganaping misa na binuo ni dating Pangulong Corazon Aquino para kay NBN-ZTE Broadband deal star witness Rodolfo “Noel” Lozada ngayong umaga sa De La Salle sa Greenhilss sa Mandaluyong.
Ayon kay EPD Director chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ikakalat niya ang kanyang kapulisan sa loob at labas ng La Salle upang masiguro na walang magiging problema sa gaganaping 10:00 ng umagang misa sa kanilang chapel na inaasahang dadaluhan ng mga kilalang personalidad, civil society groups at mga militante na panig kay Lozada.
“All entry and exit points of the school will strictly guarded to ensure the safety of those who want to attend the mass,” pahayag ni dela Cruz.
Bukod sa kapulisan ay nagtalaga din ng mga traffic enforcer sa paligid para naman mamintena ang kaayusan ng daloy ng trapiko habang isinasagawa ang nasabing misa.
Sa gagawing misa ay inaasahang dadalo ang mga kilalang personalidad upang sumuporta kay Lozada. Inaasahan ding dadalo si dating Pangulong Joseph Estrada gayundin ang mga miyembro ng oposisyon.
Ayon kay Carl Ala, tagapagsalita ng KMP, buong puwersa silang magtutungo sa
- Latest
- Trending