^

Metro

P11 pa bawas sa presyo ng LPG

-

Nagbawas ng kanilang presyo ng Liquefie­d Petroleum Gas (LPG) ang dalawang malaking kom­panya ng langis sa bansa matapos umanong bumaba ang presyo nito sa pan­daigdigang pamilihan.

Dakong alas-12:01 ng hatinggabi ay ipa­­patupad ng Shell  Philippines at Petron Corpo­ration ang panibagong rollback na P1 kada kilo o P11 kada 11 kg na cooking gas na kanilang itinitinda.

Ayon sa mga tagapagsalita ng dala­wang kompanya ng langis, muli nilang ibinaba ang presyo ng LPG matapos na gumalaw pababa ang presyo ng contact price ng produkto sa world market.

Dagdag pa ng mga ito na sa kanilang naki­kitang trend sa pandaigdigang pami­lihan ay posible pa umanong bumaba pa ang contact price nito sa mga susunod na linggo dahil tapos na ang panahon ng tag­lamig sa mga bansang inaangkatan nito.

Dahil dito posible pa umanong bumaba ang presyo ng lokal na LPG sa mga su­sunod na linggo depende kung mag­kano ang ibababa ng presyo nito sa world market­.

Ito na ang ikatlong rollback na ginawa ng dalawang higanteng kompanya ng langis sa kanilang produktong LPG simula ng pagpasok ng Pebrero. Dahil sa tatlong rollback na ginawa ng Shell at Petron si­mula ng Pebrero ay umaabot na sa P2 kada kilo o P22 kada 11 kg na tangke ang ibinaba ng presyo ng kanilang tindang LPG.

Samantala hindi pa nag-aabiso ang iba pang kompanya ng langis kung susunod sila sa panibagong rollback na ginawa ng Petron at Shell. (Edwin Balasa)

DAHIL

EDWIN BALASA

PEBRERO

PETROLEUM GAS

PETRON

PETRON CORPO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with