^

Metro

Holdaper timbog sa marshall

-

Natimbog  ng isang pulis ang isang 37-anyos na holda­per habang ito ay nambibik­tima ng mga estudyante sa loob ng pampasaherong jeep­ney kama­kalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong robbery hold-up ang suspect na nakilalang si Joel Trinidad Rodriguez, may-asawa, wa­lang trabaho, tubong Nueva Ecija, ng 637 Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila dahil sa reklamo ng bik­timang si Jonathan Fer­nando, 17, bi­nata, dancer, ng 3375 A.C. Herrera St., Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang naturang panghoholdap ng suspect sa loob ng jeep ha­bang sila ay nasa panulu­kan ng C.M. Recto Avenue at J.P. Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila. Sa imbestigasyon ng pu­­lisya, papunta umano ang gru­po ng biktima sa Pasig, Orti­gas para ka­usapin ang ka­nilang promoter nang holdapin sila ng suspect sa loob ng jeep na kanilang sina­sakyan sa na­batid na lugar na pinang­yarihan.

Lingid sa kaalaman ng sus­pek ay nakasakay din sa natu­rang jeepney si PO2 Arturo Coro­nel ng Pandacan Police Station 10 na nagsisilbi uma­nong marshall sa mga pumapa­sadang sasakyan sa Metro Manila.

Habang tinututukan ng pa­talim ng suspect ang mga bik­tima at tinatangay ang mga gamit nito ay agad na umak­syon si PO2 Coronel at nagpa­kilalang pulis kaya’t agad na naaresto ang suspect.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang Nokia cellphone ng biktima at isang balisong na ginamit nito sa panghoholdap. (Grace dela Cruz)

ARTURO CORO

CARLOS PALANCA ST.

CRUZ

HERRERA ST.

JOEL TRINIDAD RODRIGUEZ

JONATHAN FER

MAYNILA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with