^

Metro

Mister napagkamalang kawatan, patay sa sekyu

-

Patay ang isang mister ma­ka­ra­ang pagbabarilin ito ng isang security guard matapos na mapagkamalang    magnana­kaw ng huli, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nasawi sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan ang bikti­mang si Marvin Versosa, 22, at residente ng Monique St., Villa Cristina, Pamplona 3 ng na­banggit na lungsod.

Kasalukuyan namang naka­ku­long ngayon sa detention cell ang suspect na si Ricky Tapang, 40, security guard ng K-9 Security Agency, at residente ng 3 A Salinas, Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat dakong alas-10:40 ng gabi nang mangyari ang nasabing insidente sa Fer­nando’s Supermarket na mata­tagpuan sa Alabang-Zapote panulukan ng CV Star Avenue, Pamplona Dos, Las Piñas City.          

Nauna rito, habang nagba­bantay umano sa isinarang establisimyento ang suspect nang mapansin nitong may tao sa bubungan kung kaya’t agad siyang lumabas at nakita umano ang biktima kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Sa pahayag pa ng suspect sa pulisya, abala umano ang biktima at mga kasamahan nito sa pamumulot ng mga kalakal tulad ng mga bakal at kable kung kaya’t sumagi sa kanyang isipan na magnanakaw ang mga ito.

Dahil dito ay kaagad na nag­bunot ng baril ang suspect at agad na pinaputukan ang bikti­mang si Versoza.

Agad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaibi­gan sa nabanggit na pagamutan subalit idineklara itong dead-on- arrival. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

A SALINAS

LAS PI

MARVIN VERSOSA

MONIQUE ST.

PAMPLONA DOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with