^

Metro

Parak timbog sa P.1 M pekeng pera

-

Isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) at driver nito ang inaresto ng mga awto­ridad dahil sa pag-iingat ng pekeng pera na uma­abot sa mahigit P.1 mil­yon, shabu at mga wa­lang lisensiyang baril, ka­hapon ng tanghali sa Malabon City.

Kasalukuyang na­ha­harap sa patong-patong na kaso at na­ka­piit nga­yon sa de­tention cell ng District Police Intel­ligence  Unit (DPIU) ng Northern Police District (NPD) ang mga suspect na sina PO2 Feliciano dela Cruz, nakatalaga sa Dis­trict Anti-Illegal Drugs at driver nitong si Nelson Mer­cado.

Base sa nakalap na impormasyon kay Supt. Reynaldo Oran­te, hepe ng DPIU, da­kong alas-12:10 ng tanghali nang ma­aresto ang mga sus­pect  sa isang kantina sa Brgy. Longos,  Ma­labon  City 

Nabatid na natiyem­pu­han ng mga awtori­dad ang mga suspect na ku­ma­kain sa natu­rang kan­tina at sa bisa ng isang warrant of arrest ni dela Cruz sa kasong grave threat na ipinalabas ni Judge Ro­meo Rabaca ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 25 ay agad na dinakma ito ng mga una.

Napag-alaman na una umanong napan­sin ng mga awtoridad na may nakasukbit na baril sa beywang ni Mer­cado na umano’y pinadala ni sa kanya ni dela Cruz at habang inaaresto ang mga ito ay nakita rin ng mga arresting officers ang bag na dala ng mga suspect.

Nang suriin ang la­man ng bag ay nakita ng mga arresting of­ficers ang  mga pekeng pera na umaabot sa P110,000 sa iba’t-ibang denomi­nas­yon at 55.7 gramo ng shabu.

Bukod pa dito, na­kuha rin sa pag-iingat ng mga suspect ang mga baril na .9mm  pistol,  kalibre .45 at .38 na pawang mga walang kaukulang lisen­siya. (Rose Tamayo-Tesoro)

CRUZ

DISTRICT POLICE INTEL

JUDGE RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with