^

Metro

Pulis na nangikil sa konsehal kakasuhan

-

Kakasuhan ni 5th district Manila Councilor Erick Valbuena  sa People’s Law Enforcement Bureau ang mga  pulis na nakatalaga sa   Manila Police District- District Special Project Unit matapos na  kikilan umano siya ng mga ito ng P15,000  noong nakaraang linggo sa  kabila ng kanyang pagiging middleman sa kaso.

Ayon kay Valbuena, inaalam na niya ang mga pa­ nga­lan ng mga pulis ng DSPU na kanyang kakasuhan   at inaayos na  niya ang kanyang reklamo laban sa mga ito.

Nag-ugat ang  umano’y pangingikil sa kanya ng mga pulis  nang makatanggap siya ng tawag mula sa tauhan ng Orchid Garden Hotel na may naganap umanong panghahalay sa loob ng hotel nitong Enero 31.

Aniya, isang Saud Mossa Al Shammary, 51, isang Saudi National, ang inaresto sa loob ng hotel ng mga operatiba ng  DSPU  matapos na magreklamo ang isang Rose, 17, na umano’y hinalay nito. Kasama ni  Rose ang tiyahin na si Cherry Sanosa.

Nang magtungo si Valbuena sa tanggapan ng DSPU sa Manila City hall, ginawa umano siyang “middleman” ng pamilya ng biktima kay Saud na makipag-areglo sa kaso sa halagang P3 milyon.

Subalit ikinagulat ito ni  Valbuena  at sinabihan niya ang biktima na kung totoong nangyari ang pang­gagahasa ay dapat lamang nitong ituloy ang kaso. Dahil dito ay inatasan na lamang niya ang pulisya na ituloy ang kaso laban kay Saud.

Mula sa P3 milyon ay bumaba sa house and lot ang  alok. Nagalit si Valbuena at minabuti na lamang nitong umalis hanggang sa magmakaawa ang biktima at maki­usap na  bigyan na lamang sila  ng pamasahe  pabalik ng probinsiya. Dala na rin ng awa ay nakiusap si Val­buena kay Saud na bigyan na lamang ng $1,000 ang bik­tima hanggang sa magkasundo.

Subalit  laking gulat ni Valbuena  nang papaalis na siya at hingan  ng pulis  DSPU ng halagang P15,000 para umano ‘for the boys’ at pang-aabala sa naganap.    ‘Hindi nga sila (pulisya) nahiya kaya binigyan ko na lang pero binalaan ko sila na ipararating ko na lang  kay Mayor Lim ang reklamo’, ani Valbuena. 

Kinabukasan sa hindi malamang dahilan, muling nagbago ang isip ng pamilya ng biktima at humingi ng P300,000 sa suspect subalit  nang mabigong  magbigay ay  itinuloy  na lamang ang kaso laban dito sa piskalya. (Doris M. Franche)

vuukle comment

CHERRY SANOSA

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

SAUD

VALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with