^

Metro

Ginang sinalisihan ng dalaga

-

Natangay mula sa isang 38-anyos na ginang ang tinatayang P90,000 halaga ng cash at alahas matapos masalisihan ng isang dalaga sa isang kilalang food chain sa Sta Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-Station 11 ang bikimang si Cristina Dela Paz, negos­yante ng 2014 Retiro St., Sampaloc, Manila.

Arestado naman ang suspek na si Ana Marinas, 19, miyembro ng Sputnik gang, ng 24 Basan st., Sampaloc.

Sa report ni PO3 Manuel Sarmiento ng MPD-Station 11, dakong 4:30 ng hapon nang na­ganap ang insidente sa loob ng comfort room ng restaurant.

Sinabi ni dela Paz na pagkakain niya ay nag­tungo siya sa comfort room dahil sa tawag ng kali­kasan.

Inilagay umano ng biktima ang kanyang kulay beige na shoulder bag sa isang lagayan sa pintuan ng CR pero pagkatapos nitong umihi ay hindi nito napansin na wala na ang kanyang bag na may la­man na tatlong cellphone na may tatak na Nokia, Motorola at Samsung, cash at alahas na umaabot sa P90,000.

Nagreport ang biktima sa pulisya at ilang customer ang inimbitahan ng pulisya at ayon sa kanila ay nakita nila ang suspek na siyang kumuha ng bag ng biktima.

Inakala ng mga saksi na anak nito ang biktima dahil bata pa ito kaya pina­bayaan lamang ito nang kunin ang bag ng biktima.

Ayon sa pulisya, modus operandi umano ng mga miyembro ng salisi gang na maglagay ng sabitan sa loob ng CR ng mga food chain upang doon isasabit ng isang customer ang kan­yang bag bago ito tangayin ng suspek. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANA MARINAS

CRISTINA DELA PAZ

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANUEL SARMIENTO

RETIRO ST.

SHY

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with