^

Metro

Ginang naatrasan ng truck, lasog

-

Nasawi ang isang 26- anyos na ginang matapos itong ma­atrasan ng truck habang nag-iinspekyon ng kargamento kama­kalawa ng gabi sa North Harbor, Tondo Maynila. Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng aksidente  at halos magkabali-bali ang buto ng biktimang si Maricel Maquinana, may-asawa at stay-in sa Frank & David Snack Food sa Brgy. Masagana, Pandi Bulacan. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Roberto Dela Rosa, hepe ng Manila Police District (MPD) Traffic Bureau, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Pier 16, North Harbor, Tondo.

Nakaparada umano sa naturang lugar ang isang aluminum van  na may plate no. WSD-451 habang ikinakarga ang mga food products. Kasalukuyan umanong iniinspeksiyon  ng bik­tima ang mga ikinakarga, ng aksidenteng umatras ang sasak­yan at nasagasaan ito hanggang maipit ang katawan   sa isa pang nakaparadang 40-footer container van sa bahaging liku­ran nito. Paliwanag naman ng driver ng nasabing van na si  Jose Ocario,  naka-nuetral umano ang kambiyo ng sasakyan habang inaayos niya ang baterya nang bigla itong umatras. Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinam­pang kaso kay Ocario na kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad matapos ang insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DAVID SNACK FOOD

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE OCARIO

MANILA POLICE DISTRICT

MARICEL MAQUINANA

NORTH HARBOR

PANDI BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with