^

Metro

AFP-NCRCOM sinailalim sa red alert

-

Dahilan sa posibilidad na pagmulan ng destabi­lisasyon ang testimonya sa Senado ng key wit­ness sa $329 M ZTE Na­tional Broadband Net­work (NBN) deal na si Ro­dolfo Noel “Jun”  Lozada Jr., isi­nailalim na kahapon sa red alert status ang buong puwersa ng AFP- Na­tional Capital Region Command (AFP-NCRCOM).

Sinabi ni AFP-Public Information Office Lt. Col. Bartolome Bacarro na nasa red alert ang tropa ng AFP-NCRCOM sa Metro Manila habang sa ibang bahagi ng bansa ay pinaiiral naman ang heightened alert status.

Nabatid na naalarma ang AFP dahilan sa po­sib­leng samantalahin uma­no ng mga desta­bilizer ni ­Gloria Maca­pagal Arroyo ang testi­monya ni Lozada para pag-alabin ang pag-aaklas sa taumbayan laban sa gobyerno.

Si Lozada, nagbitiw na Presidente ng Philip­pine Forest Corporation ay tumestigo kahapon sa Senado kung saan idine­talye nito ang garapalang kickbacks at korapsyon ng ilang mga opisyal ng pamahalaan sa kontro­bersyal na transakyon sa telecommunications sa ZTE Corporation ng China.

Bunga rin ng insidente ay naghigpit ang military police na nagbabantay sa mga Gate ng AFP Gene­ral Headquarters sa Camp Aguinaldo kung saan maging ang mga mediamen ay nahirapang makapasok sa kampo kahapon.

Samantala, sinabi ni Bacarro na kasalukuyan rin nilang bineberipika kung sangkot ang ilang mga sundalo kabilang ang mga elemento ng Pre­sidential Security Group sa sinasabing pag­tangay kay Lozada sa Ninoy Aquino Inter­na­tional Airport (NAIA) ter­minal 1 matapos itong du­mating noong Martes ng hapon galing Hong Kong. (Joy Cantos)

BARTOLOME BACARRO

BROADBAND NET

CAMP AGUINALDO

CAPITAL REGION COMMAND

FOREST CORPORATION

GLORIA MACA

HONG KONG

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with