^

Metro

Lolo nagbaril matapos mapatay si lola

- Danilo Garcia -

Winakasan ng isang lolo ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ma­tapos nitong mapatay ang kanyang asawa kahapon ng ma­da­ling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasa­wing mag-asawa na sina Manuel Calacal, 86, at Carmen Calacal, 64, kapwa residente ng Block 78 Lot 38 Ati-Atihan Street, Brgy. Greater Lagro, ng na­tu­rang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-4 ng ma­da­ling-araw sa loob ng bahay ng mag-asa­wang Calacal.

Nadiskubre ang mga bangkay ng mag-asawa ng kanilang anak na si Maria Ro­sario Infante.  Na­ka­rinig na lamang umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanyang pun­ta­han ang mga magu­lang ay kapwa naliligo na ang mga ito sa sa­riling dugo.

Natagpuan si Car­men na may tama ng apat na bala ng kalibre .38 na na­ka­higa sa ibabaw ng kama ha­bang isang tama ng bala sa sentido naman ang tumapos sa buhay ni Manuel.

Nagsasagawa pa nga­yon ng masusing im­bes­tigasyon ang pulisya upang mabatid ang mo­tibo ng natu­rang pama­mas­­lang ng lalaking Calacal.

vuukle comment

ATI-ATIHAN STREET

BRGY

CALACAL

CARMEN CALACAL

GREATER LAGRO

MANUEL CALACAL

MARIA RO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with