^

Metro

Mag-asawa inambus: Misis patay

-

Patay agad ang isang ginang na teller sa AFPSLAI, samantalang nakaligtas naman sa kamatayan ang mister nitong opisyal ng Philippine Army makaraang tambangan at pagbabarilin ang sasakyan ng mga ito ng dalawang armadong kala­lakihan na pawang lulan ng motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Philip­pine Army General Hospital (PAGH)  ang biktimang si Lilibeth Claros 34,nakatira sa Bldg 12-24 Paoville, Fort Bonifacio, Taguig sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Nabatid na ang nasabing ginang ay natad­tad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. Sa­mantala, mi­lagrong hindi naman tinamaan ng bala sa katawan ang mister nitong si Philippine Army Maj. Isaias Claros, 36.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:45 ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa kahabaan ng Bayani Road ng Western Bicutan kung saan lulan ng Toyota Revo (XEN-590) ang mag-asawa.

Pagsapit umano ng mag-asawa sa tapat ng Tantris Fine Dining ay biglang umagapay sa kanang bahagi ng kanilang sasakyan ang isang motorsiklo na kinalu­lunan ng dalawang lalaki na parehong nakasuot ng crash helmet.

Agad na bumunot umano ng baril ang isang lalaki na nakaangkas sa likuran ng motorsiklo at pinaputukan ang mag-asawa saka tumakas patungo sa direksiyon ng C-5 Road. Samantala, hindi pa mabatid ng pulisya kung sino talaga sa mag-asawang Claros ang target ng mga sus­pect at kung ano ang motibo  ng mga sus­pect sa nasabing pananambang. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARMY GENERAL HOSPITAL

BAYANI ROAD

ISAIAS CLAROS

LILIBETH CLAROS

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE ARMY MAJ

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with