^

Metro

Pulis binoga ng kapwa parak

-

Kritikal ang kalagayan ngayon ng isang pulis-May­nila matapos na  barilin ng kapwa niya parak matapos mag­talo nang tangkain ng una na arborin ang kan­yang pamangkin na naunang inaresto ng grupo ng huli sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa Chinese General Hos­pital sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa mukha at balikat ang biktimang si PO2 Ge­naro Pangan, nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Police Community Precinct (PCO) Algue ng Station 2 (Tondo) at residente ng 1051 Kagitingan St., Tondo.

Habang itinuro naman ng ilang nakasaksi na si PO2 Merbarjin Alijuddin, nakatalaga sa MPD-PCP Delpan na siyang bumaril sa biktima.

Batay sa isinagawang im­bes­tigasyon, naganap  ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa harapan ng isang bahay sa #1028 Kagitingan St., kanto ng Mabagos St., Tondo.

Sina Alijuddin, PO2 Arnel Tuballi at PO2 Edgar Abe­noja ay nagsasagawa umano ng pagpapatrolya habang kasama sa kanilang inaresto na si Nino Pa­ngan, umano’y pamangkin ni PO2 Pangan.

Habang pa­balik ang tatlong pulis sa presinto hawak ang ka­nilang mga inaresto, kabilang si Nino, nang harangin sila ni  Pangan na umano’y lasing at inaarbor ang kan­yang pamangkin.

Gayunman, pinagsabihan pa umano ni  Alijuddin si Pangan na sumunod na lamang sa presinto at dito nagalit ang huli at nagsabing “hindi mo ba ako kilala” sabay bunot ang kanyang baril, gayunman inunahan ito ni Alijuddin at binaril si Pangan. (Grace dela Cruz)

ALIJUDDIN

ARNEL TUBALLI

CHINESE GENERAL HOS

EDGAR ABE

KAGITINGAN ST.

PANGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with