^

Metro

Bukas-kotse todas

-

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng ‘Bukas Kotse Gang’ makaraang umano’y matiyempuhan ng pulisya na puwersahang binu­­buksan ang isang sasakyan kahapon ng hapon sa Quezon City.

Kinilala ng kanyang misis ang napaslang na suspect na si   Eric San Miguel, residente ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila. Nagtamo ito ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa panulukan ng Quezon Avenue at Cordillera street, sa naturang lungsod. Nagpapatrulya umano ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Station 11 nang maispatan ang suspek na puwersahang binubuksan ang isang nakaparadang puting Toyota Corolla (WCU-704).

Ayon sa mga pulis, nanlaban umano ang suspek nang magbu­not at magpaputok ng baril kaya nila ito pinaputukan. Naka­pag­tataka naman na hindi na mahagilap sa crime scene ang umano’y baril ng naturang suspek.

Sinabi naman ng asawa ng biktima na si Maureen na nag­paalam umano sa kanya ang mister  na maghahanap ng trabaho ngunit nagulat na lamang siya nang marinig sa balita na nakipag­barilan umano ito sa mga pulis at patay na. Nabatid naman na dumalo sa isang seminar ang may-ari ng kotse na si Atty. Lilyn Juarez sa naturang lugar at nagulat siya nang pagbalik niya ay duguan na ito dahil sa nasawing suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BUKAS KOTSE GANG

DANILO GARCIA

ERIC SAN MIGUEL

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

LILYN JUAREZ

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with