^

Metro

PNP umiskor: 3 holdaper timbog

-

Nakaiskor kahapon ang aw­to­­ridad laban sa mga notor­yus na mga miyembro ng holdup and robbery syndicate maka­raang masakote ang tatlo sa mga ito ng mga elemento ng Mobile Patrol Group (MPG) sa aktong hino­holdap ang isang emple­yada, kahapon ng ma­daling-araw sa Taguig  City.

Kinilala si Supt. Alfred Corpus, hepe ng Taguig City Police ang mga naarestong suspect na sina Bobby Sausa, 29; Jonito Calton, 27 at Vicente Guinoo, 35, pawang mga resi­dente ng PNR Site na ilang metro lamang ang layo mula sa gusali ng TESDA.

Batay sa ulat ni P/Chief Insp. Eufronio Obong Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-4:30 ng ma­daling-araw nang unang bik­timahin ng mga suspect ang isang pasahero sa ha­rapan ng gusali ng TESDA na nasa East Service Road, Brgy. Western  Bicutan, Taguig  City.

Nabatid na habang naghi­hintay ng masasakyan ang bik­tima na si Rose Buenavides, nang bigla na lamang lapitan ng tatlong armadong lalaki at agad na nagdeklara ng holdap.

Tiyempo namang nagpa­patrolya sa lugar ang mga tauhan ng MPG-Taguig kung saan naaktuhan nila ang pang­hohol­dap ng mga suspect sa biktima.

Tinangka namang manla­ban ng biktima kung kaya’t galit na sinaksak ito ng isa sa mga suspect sa kanyang kanang braso.

Dito agad na nakapa­gres­ponde ang mga awtoridad kung saan nailigtas ang biktima at na­dakip ang mga suspect.

Samantala, upang tiyakin ang kaligtasan ng mga commuters sa lugar, inatasan ni Mayor Sigfrido Tinga si Supt. Corpus at MPG-Taguig chief Eduardo Ma­riano na magsa­gawa ng regular na pag­ pa­patrolya bunga na rin ng mga sunud-sunod na hol­dapan sa harapan ng TESDA Building kung saan malimit na na­bi­bik­tima ay mga kawani o aplikante rito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALFRED CORPUS

BOBBY SAUSA

CHIEF INSP

SHY

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with