^

Metro

Bold movies sa mga bus, lantaran

- Ni Angie dela Cruz -

Nagbabala kahapon ang pamunuan ng  Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampub­likong aircon bus na nagpapa­labas ng mga bold  at biolenteng mga pelikula habang bumi­biyahe sa Metro Manila at mga pro­binsiya.

Ang babala ay ginawa ni LTFRB Chairman Thompson Lan­tion makaraang makatang­gap ng reklamo sa mga commu­ters na ilang pampublikong aircon   bus ay nagpapalabas ng mga ganitong uri ng pelikula na ilan pa ay hubo’t hubad ang kata­wan.

Naalarma ang mga concerned commuters dahil sa may ilang mga menor de edad din na­man na kasama ng mga ma­ta­tanda ang sumasakay sa mga ito ang nakakapanood.

Kaugnay nito, inatasan ni Lantion ang legal department ng LTFRB na magpalabas ng ka­utusan laban sa mga bus company hinggil sa pagbabawal na magpalabas ng mga ganitong uri ng palabas.

Sa reklamo kay Lantion, isang bus ng Nuestra Senora del Carmen (PWS-704) na may rutang Sta Maria Bulacan -Edsa ay nagpapalabas ng malalas­wang sex video habang bumi­biyahe.

Mismong ang may- ari anya ng naturang bus ang  ipinatawag  at pinagpapaliwanag ng LTFRB kaugnay ng reklamo.

Oras na mapatunayang pa­ tuloy ang pagpapalabas ng ma­lalaswang pelikula hindi umano mangingiming kansela­hin ng LTFRB ang prangkisa ng mga ito.

Binalaan ni Lantion ang iba pang bus operator na may video on board na imonitor ang kanilang mga driver at konduktor kung ano ang pinapalabas ng mga ito sa kanilang mga video on board.

vuukle comment

CHAIRMAN THOMPSON LAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LANTION

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with