2 station commander, sinibak sa holdap
Tuluyang sinibak na sa puwesto ang dalawang station commander ng Kamuning at Anonas police station ng Quezon City Police District-Station 10 (Kamuning) matapos na makapagtala ng magkasunod na insidente ng panghoholdap kahapon.
Kinumpirma ni QCPD Director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang pagsibak kay P/Supt. Aspirino Cabula ng Station 10 (Kamuning) habang inilagay bilang officer-in-charge ang kanyang deputy na si Supt. Rogelio Cabrera.
Tinanggal rin sa kanyang puwesto si Station 9 (Anonas) commander Supt. Oscar Palisoc dahil sa naganap naman na panghoholdap sa isang armored van sa Brgy. Quirino.
Ipinalabas ni PNP chief, Director General Avelino Razon Jr. ang utos ng pagtanggal kina Cabula at Palisoc sa kanyang puwesto base sa ipinaiiral na “one strike policy” sa mga bank robbery.
Katunayan, lumagpas pa dito si Cabula dahil sa dalawang insidente na ng panghoholdap ang naitala sa ilalim ng kanyang pamumuno. Bukod sa panloloob sa
Base naman sa kuwalipikasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kabilang ang panghoholdap ng armoured vehicle sa kategoryang bank robbery kaya sinibak si Palisoc.
Sa inilabas na datos ng NCRPO, tumaas ng 50% ang insidente ng bank robbery nitong 2007 kumpara sa taong 2006.
Nakapagtala ng 54 insidente ng bank robbery ang naganap nitong 2007 kumpara sa 20 noong 2006. Kabilang sa naturang bilang ang panloloob mismo sa bangko, payroll robbery, panghoholdap sa indibidwal na nag-withdraw at armored van robbery. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending