^

Metro

Mister pinaslang sa harap ng misis at anak

-

Nasawi noon din ang isang mister makaraang barilin ito sa ulo sa harapan mismo ng kan­yang misis at anak ng isang hin­di nakikilalang suspect, kama­kalawa ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima na si Godo­fredo James Habana, 33,   resi­dente ng 656 Lomeda Com­pound, Brgy. Cupang ng na­bang­git na lung­sod. Batay sa ulat, pasado alas-12 ng ma­daling-araw nang mangyari  ang nasabing krimen sa loob ng bahay ng pamilyang Habana sa natu­rang lugar. Nabatid na bago ang insidente ng pamamaril, mahim­bing na natutulog umano ang bik­tima kasama ang kanyang misis at isang anak na babae nang biglang magising si Habana sa malakas na katok sa likurang bahagi ng pintuan ng kanilang bahay. Dahil dito, agad na bu­mangon ang biktima at sumilip sa bintana ng kanilang kwarto  subalit sa pagdungaw nito ay bigla na lamang siyang pina­putukan sa ulo na naging sanhi ng kanyang aga­rang pagka­matay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspect dala ang baril na ginamit nito sa krimen. Patuloy namang ini­imbes­tigahan ng Muntinlupa City Police ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

BRGY

HABANA

JAMES HABANA

LOMEDA COM

MUNTINLUPA CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with