Dahil na rin sa muling pagtaas ng bilang ng mga dengue patients sa Kalakhang Maynila, nais ng Department of Health (DOH) na muling buksan ang express lane para dito.
Ayon sa DOH, nakababahala ang pagtaas ng bilang ng dengue cases partikular sa Maynila at Caloocan kung kaya’t dapat lamang na bigyan ng pra yoridad ang mga pasyenteng ipapasok sa mga ospital.
Ipinaliwanag ng DOH na sa San Lazaro Hospital pa lamang ay tatlong ulit ang naging pagtataas ng bilang ng mga pasyente ng may dengue. Nakapagtala umano ng 200 kaso ng dengue noong 2007.
Matatandaan na inilunsad din ng DOH ang isang war room laban sa dengue, kung saan naglaan ng pondong P2.5 million para sa Research Institute for Tropical Medicine upang makabili ng gamot upang ma-detect ang dengue virus.
Nilinaw ng DOH na hindi sila pabor sa fogging operations dahil tinataboy lamang nito ang mga lamok at hindi napapatay.
Kailangan lamang na panatilihing tuyo ang paligid upang hindi pamugaran ng mga lamok. Pinakamainam na solusyon ang pagiging malinis. (Doris Franche)