^

Metro

Express lanes para sa mga dengue patient, ibabalik ng  DOH

-

Dahil na rin sa muling pagtaas ng bilang ng mga  dengue patients sa Ka­lak­hang Maynila, nais ng De­partment of Health (DOH) na muling buksan ang  express lane para dito.

Ayon sa DOH, naka­ba­bahala ang pagtaas ng  bilang ng dengue cases partikular sa  Maynila at Ca­­loocan kung kaya’t dapat lamang na bigyan ng pra­ yoridad ang  mga pas­yen­teng ipapasok sa mga ospital.

Ipinaliwanag ng DOH na sa  San Lazaro Hos­pital pa lamang ay tatlong ulit ang naging pagtataas ng bilang ng mga pas­yente ng  may dengue.  Nakapagtala umano ng 200  kaso ng  dengue noong 2007.

Matatandaan na  ini­lunsad din ng DOH ang isang war room  laban sa  dengue, kung saan  nag­laan ng pondong  P2.5 million  para sa  Research Institute for Tropical Medi­cine  upang makabili ng  gamot upang ma-detect ang dengue virus.

Nilinaw ng DOH na hindi sila pabor sa fogging operations dahil tinataboy lamang nito ang mga lamok at hindi napapatay.

Kaila­ngan lamang na pa­nati­lihing tuyo ang  pa­ligid upang  hindi pamu­garan ng mga lamok. Pi­naka­ma­inam na solusyon  ang pagi­ging malinis. (Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

MAYNILA

RESEARCH INSTITUTE

SAN LAZARO HOS

SHY

TROPICAL MEDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with