^

Metro

10% ng public high school student adik

-

Umaabot umano sa sampung por­syento ng mga estudyanteng nasa public high school ang gumagamit ng droga, ayon na rin sa Department of Education (DepEd).

Base sa resulta ng pinakahuling random drug testing na ginawa ng DepEd Health and Nutrition Center mula sa 17 eskwelahan ng public high school sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang National Capital Region (NCR) ay sampung por­syento ng mga estud­yante ang positibo sa paggamit ng droga.

Ang malaking porsyento ay ikina­bahala naman ng pamunuan ng DepEd kaya agad na ipinag-utos ni Education Under Secretary Ramon Bacani ang pag­sasagawa ng malawakang educa­tional cam­paign sa lahat ng pampub­likong eskwelahan sa bansa, elemen­tarya man o high school.

Ang kampanya laban sa droga ay tinawag na “Do Drugs Your Life? Your Life… Your Community. No Place to Drugs” na kanilang ini­lunsad kahapon.

Paliwanag pa ni Bacani na ang konsepto ng drug abuse prevention ay kinakailangang mailagay sa utak ng bata kung saan isang information cam­paign ang laging isasagawa sa mga paaralan.

Bukod sa NCR, kasama rin sa unang batch ng drug testing sa mga estudyante ang Regions 3, 7, 10, 11 at CARAGA Region.

Hindi naman inilabas ng DepEd ang bilang nga mga estudyanteng isina­ilalim sa drug test para na rin sa kapa­kanan ng mga ito. (Edwin Balasa)

DEPARTMENT OF EDUCATION

DRUGS YOUR LIFE

EDUCATION UNDER SECRETARY RAMON BACANI

EDWIN BALASA

NATIONAL CAPITAL REGION

NO PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with