Isang 17-anyos na binatilyo ang nasa kritikal na kalagayan ngayon matapos pagbabarilin ng isang sidecar boy habang naglalakad sa Tondo, Manila kahapon.
Mabilis namang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Alvin Austria, 17, estudyante, ng Amarlahanhagui Street, Tondo.
Nadakip naman ng mga barangay kagawad ang suspek na si Jay-R David, 18, sidecar boy, ng 1681 F. Varona Street, Tondo.
Naganap ang pamamaril dakong alas-9:50 ng gabi habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigang si Art John Marines, 16, nang bigla na lamang itong binaril ni David sa kanang katawan ng biktima. Hinala ng pulisya na may matagal nang alitan ng dalawa. (Grace dela Cruz)