^

Metro

Cessna plane nag crash: 2 piloto sugatan

-

Dalawang piloto ang malubhang nasugatan matapos na mag-emer­gency landing ang sina­sak­yan nilang Cessna plane sa Diosdado Ma­capagal Boulevard sa Pasay City ilang minuto lang matapos na mag-take off sa Runway 1331 sa Manila Domestic Air­port kahapon ng hapon.

Nakilala ang   mga na­sugatan na  sina Capt. Raymundo dela Cruz at co-pilot nitong si Reynan Fontevilla na ginagamot na sa pinakamalapit na hospital.

Base sa inisyal na re­port ng Air Transportation Office, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang insidente sanhi ng pag­bagsak ng nasabing Cessna plane 172 na may body number RPC- 229 na pag-aari ng ATI company.

Kagagaling lamang ng naturang maliit na erop­lano sa hangar ng ATI sa Manila Domestic Airport patungong Plari­del, Bulacan nang maka­ra­nas ang mga piloto ng engine trouble.

Hindi pa gaanong na­kalalayo ang eroplano kaya napilitang mag-emer­gency landing ang mga ito hanggang sa su­madsad sa isang bakan­teng lugar sa dating Monterey at SLR building sa Macapagal Boulevard sanhi upang masira ang naturang eroplano.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang ATO hinggil sa nasabing pag­bagsak ng naturang private plane. (Ellen Fernando)

AIR TRANSPORTATION OFFICE

CESSNA

DIOSDADO MA

ELLEN FERNANDO

MACAPAGAL BOULEVARD

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with