^

Metro

Binatilyo todas sa sardinas

-

Patay ang isang 18-anyos na lalaki habang kriti­kal pa ang kanyang pinsan makaraang malason sa kinaing sardinas na kinalawang na ang lata, sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Ronaldo Piad, binata, residente ng Area 6 Sitio Cabuyao, Novaliches, ng naturang lungsod.  Patuloy pa rin namang inoobser­bahan ang kalagayan ng kanyang pinsan na si Raymond del Rosario,  habang nakalabas na ng paga­mutan ang ina ng nasawi na si Glenda Rigaya.

Sa salaysay ni Rigaya, binili nila ang sardinas na tatak “Ligo” sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay nitong nakaraang Martes para sa kanilang hapunan.  Hindi na umano nila ito niluto pa at pina­takan lamang ng kalamansi gaya ng nakagawian.

Matapos kainin, dito na nakaramdam ang tatlo ng pananakit ng sikmura hanggang sa isugod sa East Avenue Medical Center.  Nabatid na pumanaw si Piad nitong Miyerkules ng gabi.

Isinailalim naman sa pagsusuri ng mga eksperto ang sardinas na kinain ng mga biktima na lumabas naman na hindi pa expired.  Subalit nabatid naman na lubhang kinakalawang na ang lata ng sardinas na siyang posibleng dahilan ng pagkalason ng mga biktima. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

EAST AVENUE

GLENDA RIGAYA

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

RONALDO PIAD

SITIO CABUYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with