Pinag-iisipan ng ilipat ni Manila Mayor Alfredo Lim ang may 56 korte na nasa loob ng gusali ng Manila City hall sa dating gusali ng Government Security Insurance Sys tem (GSIS) matapos ang brutal na pamamaslng kay Sapang, Dalaga Misamis Occidental Mayor Reynaldo Yap at pagkasugat ng tatlong iba pa.
Ayon kay Lim, aayusin na nila ang lahat ng dokumento para sa pormal na paglilipat ng lahat ng korte sa itatayong Hall of Justice sa lumang gusali ng GSIS building na katabi lamang ng City hall.
Sa kasalukuyan, mayroon 56 Regional Trial Court (RTC) ang nasa loob ng gusali, samantalang may 30 Metropolitan Trial Court (MTC) na nasa lumang gusali ng GSIS na katabi lamang ng city hall.
Inayudahan naman ito ni Manila 6th District Councilor Ernesto Rivera, aniya noong April 2005, nagpalabas ng kautusan si Pangulong Arroyo ang Proclamation No. 835 na nagbibigay ng kapangyarihan para sa paglilipat ng pag-aari ng dating GSIS na nasa A. Villegas Street sa Ermita sa pamunuan ng Supreme Court para sa panukalang Manila Hall of Justice.
Ayon pa kay Rivera, panahon na upang magkaroon ng sariling hall of justice ang Maynila dahil bukod tangi lamang umano ang lungsod sa ibang lugar sa Metro Manila na mayroong hiwalay na gusali para sa hukuman. (Doris Franche)