^

Metro

Korte sa Manila city hall, ililipat na

-

Pinag-iisipan ng ilipat ni Manila Mayor Alfredo Lim ang may 56 korte na nasa loob ng gusali ng Manila City hall sa dating gusali ng  Government Security In­surance Sys­ tem (GSIS) ma­tapos ang brutal na pa­mamaslng kay Sapang, Dalaga Misamis Occiden­tal Mayor Rey­naldo Yap at pagkasugat ng tatlong iba pa.

Ayon  kay  Lim, aayusin na nila ang lahat ng doku­mento para sa pormal na paglilipat ng lahat ng korte sa itatayong Hall of Justice sa lumang gusali ng GSIS building na katabi lamang ng City hall.

Sa kasalukuyan, may­roon 56 Regional Trial Court (RTC) ang nasa loob ng gusali, samantalang may 30 Metropolitan Trial Court (MTC) na nasa lumang gusali ng GSIS na katabi lamang ng city hall.

Inayudahan naman ito ni Manila 6th District Coun­cilor Ernesto Rivera, aniya noong April 2005, nagpa­labas ng kautusan si Pa­ngulong Arroyo ang Procla­mation No. 835 na nagbi­bigay ng kapangyarihan para sa paglilipat ng pag-aari ng dating GSIS na nasa A. Villegas Street sa Ermita sa pamunuan ng Supreme Court para sa panukalang Manila Hall of Justice.

Ayon pa kay Rivera, panahon na upang magka­roon ng sariling hall of justice ang Maynila dahil bukod tangi lamang umano ang lungsod sa ibang lugar sa Metro Manila na may­roong hiwalay na gusali para sa hukuman. (Doris Franche)

AYON

DALAGA MISAMIS OCCIDEN

DISTRICT COUN

DORIS FRANCHE

ERNESTO RIVERA

GOVERNMENT SECURITY IN

HALL OF JUSTICE

MANILA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with