Buntis utas sa lover
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na buntis ng kanyang live-in partner dahil sa umano’y matinding selos ng huli kahapon ng hapon sa Port Area,
Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Emilyn Manalo, residente ng Blk 9 Extension Tambakan, Baseco Compound, sanhi ng tinamong apat na bala ng baril sa kanyang katawan.
Habang pinaghahanap naman ang suspek na live-in-partner nito na si Alyas Jordan Muslim.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa loob ng kanilang bahay.
Nagkaroon umano ng matinding pagtatalo sa pagitan ng maglive-in dahil sa umano’y matinding pagseselos ng suspek at pagdududa na hindi nito anak ang dalawang buwang dinadala sa loob ng sinapupunan ng biktima.
Tinangka pa umanong lumaban ng biktima sa suspek dahil ng matagpuan ito ay may hawak pa itong kutsilyo sa kanyang kamay.
Nakuha sa loob ng bahay ng mag-live-in partner ang isang holster ng .38 kalibre ng baril at kutsilyo.
Nabatid na tinangay ng suspek ang kanilang anak na nakilalang si Baby boy kulot, 2, sa isinagawa nitong pagtakas.
Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya upang agad na madakip ang suspek.
- Latest
- Trending