Hiwalay na gusaling pang-Hukuman, giit ng SC
Paghiwalay umano sa gusaling pang-Hukuman ang siyang solusyon ng Korte Suprema upang matutukan ang seguridad ng mga pagdinig at hindi na masundan pa ang madugong pangyayari sa Manila Regional Trial Court (RTC).
Sinabi ni Supreme Court (SC) spokesman Atty. Midas Marquez, security nightmare umano ang kalayagan ng
Dahil dito kayat hindi umano makontrol ng mga security personnel ang paglalabas pasok ng mga tao dito.
Idinagdag pa ni Marquez na posibleng gamitin ang mga gusaling pambayan at panlungsod bilang alternatibo kung matitiyak ang seguridad ng mga ito kontra sa sinumang posibleng mag-sabotahe.
Aminado naman si Marquez na mayroong pagkukulang sa mga hukuman kaya’t naganap ang katulad na insidente sa MRTC kung saan napatay si dating Sapang Dalaga, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Yap matapos itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.
Nagpahayag na rin ng kalungkutan at pagkadismaya si SC Chief Justice Reynato Puno dahil sa naturang pangyayari. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending