^

Metro

3 biktima ng salvage natagpuan

-

Tatlong bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na pinanini­walaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa mag­kahiwalay na lugar sa Man­daluyong at Las Piñas kahapon.

Ayon sa ulat, unang natag­puan dakong ala-1:10 ng ma­daling-araw ang bangkay ng lalaki na biktima na nakasilid sa isang sako sa may Times St. at Madison St., Brgy. Barangka Ilaya ng nasabing lunsod.

Nakuha na nakasabit sa katawan nito ang isang karton na nagsasaad na “Huwag pama­risan holdaper ako”.

Nabatid na may tama ng bala ng baril sa kaliwang sen­tido ang biktima na kung saan nakaga­pos pa ang mga kamay at paa gamit ang isang nylon cord bago sapilitang pinag­kasya sa isang maliit na sako.

Samantala, dalawa pang   bangkay ng hindi nakikilalang lalaki   ang natagpuan kahapon ng umaga sa Las Piñas City na kapwa tadtad ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Ayon kay Arsenio Unay, security guard ng Zodiac Security Agency, natagpuan nito ang bangkay ng dalawa dakong alas-6:30 ng umaga kahapon sa may Kirishima St,, hindi kala­yuan sa lagon ng inabandonang Tropical Palace Hotel na mata­tagpuan sa loob ng subdivision ng BF International.

Sinabi pa ni Unay na habang siya ay nagpapatrolya sa lugar ay nakita nito ang dalawang biktima na nakahandusay sa ba­kanteng lote na parehong may tama ng bala sa ulo at katawan. (Edwin Balasa at Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARSENIO UNAY

AYON

BARANGKA ILAYA

EDWIN BALASA

KIRISHIMA ST

LAS PI

MADISON ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with