Barangay chairman niratrat, patay

Natigmak ng dugo ang   mapayapang flag- raising ceremony mata­pos pagbabarilin hang­gang sa mapatay ng tatlong hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang chairman  na nanguna sa pagkanta ng Pambansang Awit sa harapan mismo ng ba­rangay hall, kahapon ng umaga sa Navotas City.

Namatay sa mismong lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kanang sentido at kali­wang dibdib si Rolando “Popoy” San Juan, 52, kapitan ng Barangay Bangkulasi at residente naman ng Alpha St., ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng man­hunt at follow-up opera­tion ang pamunuan ng Navotas-PNP laban sa tatlong armadong sus­pect na mabilis na nagsi­takas sakay ng isang motorsiklo.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-8:38 ng umaga nang maganap ang nasabing krimen sa harapan mismo ng ba­rangay hall na matatag­puan sa Alpha St., Brgy. Bangkulasi na ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktima.

Nabatid na kasalu­kuyang nagsasagawa ng flag raising ceremony ang mga opisyales ng ba­rangay kabilang ang bik­tima nang bigla na lamang makisiksik sa mga tao ang mga salarin.

Isa sa mga ito ang tumawag pa sa pangalan ng kapitan at nang lumi­ngon ito ay bigla na lamang   pinagbabaril ng mga suspect.

Tinangka pa uma­nong magbunot ng kan­yang baril ng biktima ngunit hindi na nito na­kuha pang makapanla­ban pa sa mga suspect nang muli siyang pagba­barilin ng mga huli at tamaan siya sa dibdib na naging dahilan ng kan­yang agarang ka­matayan.

Napag-alaman na­man mula sa mga ka­mag-anak ng biktima na nang matapos ang ba­rangay election noong 2007 ay una ng naka­tanggap ng sunud-sunod na death threats ang huli kung kaya’t napilitan na itong magdala ng baril subalit hindi rin nito na­gamit nang pagba­barilin siya ng mga salarin.

Kaugnay nito, nag­bigay naman ng P200,000 reward money o pabuya si Navotas City Mayor Tobias “Toby” ­Tiangco para sa sinu­mang makapagtu­turo sa mga suspect  para sa agarang ikadarakip ng mga ito.

Show comments