Barangay chairman niratrat, patay
Natigmak ng dugo ang mapayapang flag- raising ceremony matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang isang chairman na nanguna sa pagkanta ng Pambansang Awit sa harapan mismo ng barangay hall, kahapon ng umaga sa
Namatay sa mismong lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kanang sentido at kaliwang dibdib si Rolando “Popoy” San Juan, 52, kapitan ng Barangay Bangkulasi at residente naman ng Alpha St., ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt at follow-up operation ang pamunuan ng Navotas-PNP laban sa tatlong armadong suspect na mabilis na nagsitakas sakay ng isang motorsiklo.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:38 ng umaga nang maganap ang nasabing krimen sa harapan mismo ng barangay hall na matatagpuan
Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng flag raising ceremony ang mga opisyales ng barangay kabilang ang biktima nang bigla na lamang makisiksik sa mga tao ang mga salarin.
Isa sa mga ito ang tumawag pa sa pangalan ng kapitan at nang lumingon ito ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspect.
Tinangka pa umanong magbunot ng kanyang baril ng biktima ngunit hindi na nito nakuha pang makapanlaban pa sa mga suspect nang muli siyang pagbabarilin ng mga huli at tamaan siya sa dibdib na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Napag-alaman naman mula sa mga kamag-anak ng biktima na nang matapos ang barangay election noong 2007 ay una ng nakatanggap ng sunud-sunod na death threats ang huli kung kaya’t napilitan na itong magdala ng baril subalit hindi rin nito nagamit nang pagbabarilin siya ng mga salarin.
Kaugnay nito, nagbigay naman ng P200,000 reward money o pabuya si Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspect para sa agarang ikadarakip ng mga ito.
- Latest
- Trending