Lola kinatay ng anak na may sayad
Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang lola makaraang walang awang tadtarin ng saksak ng kanyang sariling anak na sinasabing may diperensya umano sa pag-iisip kamakalawa sa
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Capitol Medical Hospital ang biktimang si Lucita Lee, 64, ng #71 Mahogany Road, Pillar Village, Las Piñas City.
Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na 36-anyos na anak ng biktima na si Narcissus, walang trabaho at residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat ng Quezon City Police District-station 10, naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa may #77 Hyacinth St., Roxas District sa nasabing lungsod. Nabatid na dumalaw ang mag-ina sa isa nilang kamag-anak sa nasabing lugar at kasalukuyang natutulog ang biktima sa isang kuwarto nang pasukin ng suspek.
Sa hindi pa mabatid na dahilan, bigla na lamang sunud-sunod na inundayan nito ng saksak ang sariling ina na dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga kaanak ng biktima na kalalabas pa lamang umano sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City si Narcissus dahil sa nararanasan nitong nervous breakdown at pagkawala sa sariling katinuan. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending