^

Metro

Birthday party hinoldap

- Danilo Garcia -

Nabahiran ng dugo at kaguluhan ang dapat sana’y masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang tinedyer nang mag-“gate crash” ang limang armadong suspek at barilin at patayin ang kanyang ama kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Chinese General Hospital dahil sa isang tama ng bala sa leeg ang biktimang si Haji San Miguel, 30, entertainer, at residente ng General Tinio St., Brgy. Paang Bundok ng naturang lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-10  ng gabi habang nagdiriwang ng kaarawan ang anak-anakan ni San Miguel kasama ang mga kapamilya at barkada.

Dito pumasok ang limang suspek at tinu­tukan ng baril ang mga nagkakasayahang tao.  Inutusan pa ng mga sala­rin si San Miguel na itali gamit ang packaging tape ang kamay, paa at mata ng mga bisita bago ito pinaakyat sa ika­lawang palapag ng bahay at doon binaril.

Ayon sa isa sa bisita, isa pa umano sa mga holdaper ang kumanta sa videoke upang pala­basin na tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon.  Ni­limas naman ng mga salarin ang mga maha­halagang personal na ari-arian ng mga bisita at ng bahay bago nagsitakas.

Ayon sa pulisya, malaki ang hinala nila na hindi pagnanakaw ang tunay na pakay ng mga salarin. Maaari umano na may iba pang dahilan ang mga ito at tinangay lamang ang mga gamit ng mga bisita upang palabasin na robbery ang pakay nila.

Patuloy pa rin naman sa masusing imbesti­gasyon ang pulisya kung saan nais ng mga ito na makakuha ng lead sa posibleng mga naging kagalit ni San Miguel.

vuukle comment

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GENERAL TINIO ST.

HAJI SAN MIGUEL

PAANG BUNDOK

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with