^

Metro

Swiss national 12-oras kumain sa restaurant, ‘thank you’ ang ipinambayad

-

Kalaboso ang kinasad­lakan ng isang Swiss na­tional na kumain ng may labindalawang oras at sim­pleng “thank you” lamang ang ipinambayad nito sa kanyang nakunsumo sa isang high class na res­taurant, kamakalawa ng gabi sa Pasay  City.

Kasong estafa ang isinampa   laban sa suspect na si Rene Kurt Meiehans, 56, interior designer at pan­samantalang nakatira sa 33 Florida St., Timog Park, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa reklamo ng bar tender na si Pocholo de Leon, 22, residente ng 519 Vergel St., Pasay City, unang pumasok ang sus­pect sa isang Italian res­taurant na nasa isang hi­ganteng mall sa Maca­pagal Avenue, Pasay City dakong alas-10 ng umaga.

Ang suspect ay unang umorder umano ng fish fillet, brewed coffee, at iba pang makakain at nanatili sa naturang restaurant ng may 12-oras.

Ayon pa kay De Leon, magko-closing time na sila nang makakunsumo pa ng 11-beer at ilang tasa ng kape ang suspect bukod sa mga inorder na pagkain na umabot sa halagang P2,848.43.

Nang singilin na umano ang suspect sa kabuuang halagang nakunsumo sa nasabing restaurant, taha­sang ipinagtapat nito na wala siyang perang ipam­babayad at pinasalamatan na lamang ang nagsilbing waiter.

Dahil dito, agad na tu­mawag ng pulis ang taga­pangasiwa ng restaurant na nagbunga sa pagka­kaaresto  ng suspect.

Sa himpilan ng pulisya, nadiskubre na wala talaga umanong pera na pam­bayad ang suspect at wala rin umano itong intensiyon na bayaran ang kanyang kinain. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANGELES CITY

AYON

FLORIDA ST.

PASAY CITY

RENE KURT MEIEHANS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with