^

Metro

Trader kritikal sa P.6-M holdap

-

Umaabot sa mahigit P600,000 ang nakulimbat ng tatlong hindi pa kilalang mga holdaper na nakasa­kay ng motorsiklo makara­ang pagbabarilin ng mga ito ang isang 55-anyos na negosyante na kaka-with­draw lang ng nasabing pera sa isang banko ka­hapon ng hapon sa San Juan City.

Kasalukuyang agaw buhay sa Cardinal Santos Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Benito Tan, contractor at residente ng 168 Jaig St. Mandaluyong City.

Mabilis namang tuma­kas ang mga suspek ta­ngay ang nasabing pera.

Ayon kay Supt. Rodelio Jocson, hepe ng San Juan police, naganap ang insi­dente dakong ala-1:05 ng hapon sa kanto ng Jover at Arellano Sts. Brgy. Addition­ Hills ng lungsod na ito.

Nabatid na lulan ng kan­yang puting Toyota Fortuner na may plakang ZBR-542 ang bik­tima galing sa pag­wi-withdraw ng halagang P600,000 na pera sa isang sangay ng UCPB Bank sa Mandaluyong.

Habang binabagtas nito ang nasabing lugar ay bigla na lang dumikit sa kanyang sasakyan ang isang kulay pulang Honda XR, sakay ng tatlong sus­pek at pinagbabaril ang biktima ng isa sa mga ito.

Nang huminto ang sa­sakyan ng biktima ay agad namang binuksan ng isa pa sa mga suspek ang pinto ng Fortuner at kinuha ang nasabing pera na na­kalagay sa umanoy maliit na envelope bago mabilis na nagsitakas.

Patuloy ang ginaga­wang follow-up operation ng San Juan police para sa posibleng pagkakaaresto ng mga suspek. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARELLANO STS

BENITO TAN

EDWIN BALASA

JAIG ST.

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with