^

Metro

P1-M laan ng QC government kontra dengue

-

Naglaan ang Quezon City government ng hala­gang P1 milyon pondo para pondohan ang kam­panya ng lokal na pama­halaan kontra sa sakit na dengue.

Ang Quezon City bu­kod sa Maynila at Ca­loocan City sa Metro Manila na mahigpit na sinusubay­ bayan ng De­partment of Health (DOH) dahil sa naitatalang mga kaso ng dengue.

Batay sa rekord ng QC Health Office, ngayong Enero ng taong ito, may kabuuang 89 katao na ang napaulat na nagkaroon ng sakit na dengue at apat mula dito ay namatay na.

Limang barangay ang higit na minomonitor ng husto ng QC health office sa mga kaso ng dengue dahil sa pagtaas ng dengue cases dito.

Ang mga lugar na ito ay ang ba­rangays Com­mon­wealth, Batasan Hills, Holy Spirit, Fairview at Old Balara.

Una rito, inatasan ni QC Mayor Feliciano Bel­monte ang city health office, ba­rangay officials at local health workers na magtu­lungan para mapa­lakas pa ang kampanya ng city government laban sa dengue. (Angie dela Cruz)

ANG QUEZON CITY

BATASAN HILLS

CITY

HEALTH OFFICE

HOLY SPIRIT

MAYOR FELICIANO BEL

METRO MANILA

OLD BALARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with